Escol
[Kumpol [ng Ubas]].
1. Kapatid ni Aner at ni Mamre na Amorita. (Gen 14:13) Si Escol at ang kaniyang mga kapatid ay mga kakampi ni Abraham noong talunin niya ang isang liga ng mga haring taga-Silangan.—Gen 14:14, 24; tingnan ang ANER Blg. 1.
2. Isang wadi o agusang libis. Malamang na ito’y di-kalayuan sa H ng Hebron. Sa libis na ito nanggaling ang malaking kumpol ng ubas na dinala ng mga Israelitang tiktik. Ang mga ubasan sa lugar na ito ay kilala pa rin sa mataas na kalidad ng kanilang mga ubas. (Bil 13:23, 24; 32:9; Deu 1:24) Posibleng sa pangyayaring ito, noong panahon ng kanilang paglalakbay upang maniktik, nagmula ang pangalang Escol.