Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Eshek

Eshek

[posible, Kumikilos Nang Marahas].

Isang inapo ni Haring Saul. Binabanggit ng ulat ng Kasulatan na ang Benjamitang ito ay nagkaroon ng tatlong anak at na ang mga anak ng kaniyang panganay, si Ulam, “ay naging magigiting at makapangyarihang mga lalaki, mga humuhutok ng busog, at nagkaroon ng maraming anak at apo, isang daan at limampu.”​—1Cr 8:1, 33, 39, 40.