Espanya
Isang bansa na nasa Iberian Peninsula sa TK Europa. Pagkadalaw niya sa mga Kristiyanong taga-Roma, umasa ang apostol na si Pablo na bahagya siyang maihahatid doon ng kaniyang mga kapananampalataya sa Roma. (Ro 15:23, 24, 28) Hindi tiyak kung talagang nakarating sa Espanya ang apostol. Gayunman, sinabi ni Clemente ng Roma (mga 95 C.E.) na si Pablo ay dumating “hanggang sa pinakadulo ng kanluran,” anupat maaaring kasama roon ang Espanya. (The Ante-Nicene Fathers, Tomo I, p. 6, “The First Epistle of Clement to the Corinthians,” kab. V) Kung nakarating siya sa lupaing iyon, malamang na ang pagdalaw ni Pablo ay naganap sa pagitan ng pagpapalaya sa kaniya mula sa unang pagkabilanggo niya sa Roma (mga 61 C.E.) at ng muling pagkabilanggo niya roon noong mga 65 C.E. Noong panahong iyon, ang Espanya ay nasa ilalim ng pamamahala ng Roma. Iniuugnay ng ilan ang Tarsis sa timugang bahagi ng Espanya.—Tingnan ang TARSIS Blg. 4.