Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Estacte

Estacte

Ang mga patak ng estacte (sa Heb., na·taphʹ) ay isa sa mga sangkap ng insenso na pantanging ginagamit sa sagradong layunin. (Exo 30:34) Ang kaugnay nitong anyong pandiwa ay nangangahulugang “pumatak.” (Huk 5:4) Isinalin ng Griegong Septuagint ang salitang ito bilang sta·kteʹ, nangangahulugang “langis ng mira,” halaw sa pandiwang Griego na staʹzo, “pumatak.” Sa gayon, ipinahihiwatig ng mga terminong Hebreo at Griego na ang estacte ay isang balsamo na pumapatak mula sa madadagtang punungkahoy. Isinalin ng Latin na Vulgate ang salitang ito bilang stacte.

Hindi matiyak kung anong espesipikong punungkahoy ang naglalabas ng estacte. Kabilang sa mga iminumungkahing pinagmumulan nito ay ang Oriental sweet gum tree (Liquidambar orientalis) at ang mastic pistacia bush (Pistacia lentiscus).