Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Estadyo

Estadyo

Ang salitang Griego (staʹdi·on) na isinaling estadyo ay tumutukoy sa isang panukat ng haba na katumbas ng 185 m (625 Romanong piye; 606.75 Ingles na piye) o 1⁄8 milyang Romano. (Ang milyang Romano ay katumbas ng 1,479.5 m; 4,854 na piye.) (Apo 14:20; 21:16) Ito ang tinatayang haba kapuwa ng estadyong Attica at Romano. Naiiba ito sa makabagong estadyo na 201 m (660 piye). Sa 1 Corinto 9:24, ang terminong staʹdi·on (estadyo) ay isinasaling “takbuhan,” anupat ang haba ng karerahan ng mga Griego ay isang estadyo. Gayunman, ang aktuwal na estadyo noon ng karerahan ng Olympic ay 192 m (630 piye).