Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Estater

Estater

Isang baryang pilak na ipinambayad ng buwis sa templo para kay Jesus at sa kaniyang apostol na si Pedro. Palibhasa’y katumbas ng apat na drakma, nagkakahalaga ito ng mga apat-na-araw na kita noong panahong iyon. (Mat 17:24, 27) Minamalas ng maraming iskolar na ito ay ang tetradrakma na hinulma sa Antioquia, Sirya, o sa Tiro. Sa harap, ang tetradrakma ng mga taga-Tiro, na humigit-kumulang kasinlaki ng kalahating dolyar ng Estados Unidos, ay may nakalarawang ulo ng diyos na si Melkart, sa likod naman ay isang agila na nakadapo sa timon ng isang barko, at isang inskripsiyon na “Tiro na Banal at Di-Malulupig.” Isang wangis ni Emperador Augusto ang makikita naman sa tetradrakma ng Antioquia.