Etan
[Namamalagi; Umaagos Nang Walang Tigil].
1. Isa sa apat na lalaki na ang napakalaking karunungan ay nahihigitan pa rin niyaong kay Solomon. (1Ha 4:31) Maaaring ang Etan na ito ang manunulat ng Awit 89, sapagkat ipinakikilala ng superskripsiyon na si Etan na Ezrahita ang manunulat nito. Sa 1 Cronica 2:6, sina Etan, Heman, Calcol, at Dara ay pawang tinutukoy bilang mga anak ni Zera na mula sa tribo ni Juda at posibleng sila rin ang mga lalaking binanggit sa Unang Hari. Si Etan ay tinutukoy bilang ang ama ni Azarias.—1Cr 2:8; tingnan ang EZRAHITA.
2. Ang ama ni Adaias at ang anak ni Zima, isang Levita na mula sa pamilya ni Gersom.—1Cr 6:41-43.
3. Isang anak ni Kisi (1Cr 6:44) o Kusaias (1Cr 15:17), isang Levita na mula sa pamilya ni Merari. Si Etan ay isang mang-aawit at isang manunugtog ng simbalo. (1Cr 15:19) Dahil sa malapit na pakikisama niya kay Heman, iminumungkahi na si Etan ang Jedutun na inatasan ni David upang maglingkod sa harap ng tabernakulo sa Gibeon at na ang kaniyang pangalang Etan ay ginawang Jedutun pagkatapos niyang maatasan. (Ihambing ang 1Cr 15:17, 19 sa 1Cr 16:39-41 at 25:1.)—Tingnan ang JEDUTUN Blg. 1.