Eunice
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “manlupig”].
Isang nananampalatayang babaing Judio na anak ni Loida. Siya ang asawa ng isang di-sumasampalatayang Griego at ina ni Timoteo. (Gaw 16:1) Malamang na natagpuan ng apostol na si Pablo si Eunice sa Listra sa Asia Minor noong unang paglalakbay niya bilang misyonero at malamang na pagkatapos niyaon, bilang resulta ng kaniyang pangangaral, si Eunice at ang kaniyang inang si Loida ay naging mga Kristiyano. (Gaw 14:4-18) Ang pananampalataya ni Eunice ay “walang anumang pagpapaimbabaw.” (2Ti 1:5) Bagaman kasal sa isang paganong lalaki, siya ay naging uliran sa pagtuturo ng “banal na mga kasulatan” sa kaniyang anak na si Timoteo mula sa “pagkasanggol” nito, at nang siya ay maging isang Kristiyano, walang alinlangang tinuruan niya ito alinsunod doon. (2Ti 3:15) Yamang ang asawa ni Eunice ay isang Griego, si Timoteo ay hindi ipinatuli ng kaniyang mga magulang.—Gaw 16:3.