Eutico
[Mapalad; Matagumpay].
Isang kabataang lalaki sa Troas na siyang kahuli-hulihang taong iniulat sa Kasulatan na makahimalang binuhay-muli. Noong dumalaw si Pablo sa Troas sa kaniyang ikatlong paglalakbay bilang misyonero, pinahaba niya ang kaniyang diskurso sa mga kapatid hanggang hatinggabi. [Ipinagpatuloy sa pahina 753] Gaw 20:7-12; tingnan din ang 2Ha 4:34.
[Karugtong ng pahina 736] Palibhasa’y nadaig ng pagod at posibleng ng init ng maraming lampara at ng siksikang kalagayan sa itaas na silid, si Eutico ay nakatulog nang mahimbing at nahulog mula sa bintana sa ikatlong palapag. Ang manggagamot na si Lucas, ang manunulat ng Mga Gawa at lumilitaw na isang saksi sa pangyayari, ay nag-ulat na hindi lamang walang-malay si Eutico kundi “patay na nang buhatin.” Bilang pagsunod sa pamamaraan na katulad niyaong kay Eliseo sa pagbuhay-muli sa anak ng Sunamita, dumapa si Pablo sa ibabaw ni Eutico at niyakap ito. Ang mga salita ni Pablo na, “Tigilan ninyo ang pagkakaingay, sapagkat ang kaniyang kaluluwa ay nasa kaniya,” ay nagpapahiwatig na naisauli ang buhay ni Eutico.—