Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Evi

Evi

Isa sa limang Midianitang hari o pinuno na pinatay nang panahong makipaglaban ang hukbo ng Israel sa ilalim ni Moises upang ilapat ang paghihiganti ni Jehova sa Midian dahil sa paghikayat nito sa Israel na lumakip sa Baal ng Peor. Ang mga Midianitang haring ito ay mga duke, mga kaalyado, o mga basalyo ni Sihon na hari ng mga Amorita. Ang kanilang teritoryo ay ibinigay sa tribo ni Ruben.​—Bil 25:17, 18; 31:8; Jos 13:15, 21.