Ezbon
1. Isang anak ni Gad at apo ni Jacob. (Gen 46:16) Itinala ng katulad na ulat sa Bilang 26:16 si Ozni bilang ang ninuno ng mga Oznita sa halip na si Ezbon, anupat ipinahihiwatig na ang dalawang pangalan ay tumutukoy sa iisang tao.
2. Isang anak ni Bela at inapo ni Benjamin. Si Ezbon ay tinatawag na isa sa “mga ulo ng sambahayan ng kanilang mga ninuno, magigiting at makapangyarihang mga lalaki.”—1Cr 7:6, 7.