Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ezrahita

Ezrahita

[Katutubo].

Isang katawagan na ikinapit kina Etan (1Ha 4:31; Aw 89:Sup) at Heman (Aw 88:Sup), na kapuwa tanyag dahil sa kanilang karunungan. Sina Etan at Heman ay ipinakikilala sa 1 Cronica 2:3-6 bilang mga inapo ni Juda sa pamamagitan ni Zera. Kaya lumilitaw na ang katawagang “Ezrahita” ay isa pang salita para sa “Zerahita.” (Bil 26:20) Binigyang-kahulugan ng Targum ni Jonathan ang “Ezrahita” bilang “anak ni Zera.”