Fortunato
[mula sa Lat., Mapalad; Masagana].
Isa sa mga may-gulang na miyembro ng kongregasyon sa Corinto, na dumalaw kay Pablo sa Efeso kasama sina Estefanas at Acaico. (1Co 16:8, 17, 18) Maaaring napag-alaman ni Pablo mula sa mga lalaking ito ang nakababalisang mga kalagayan na isinulat niya, at posibleng ang mga ito ang nagdala ng unang kanonikal na liham ni Pablo sa mga taga-Corinto.—1Co 1:11; 5:1; 11:18.