Gaal
[posible, Namumuhi; Kinamuhian].
Ang anak ni Ebed na pumaroon sa Sikem, kasama ng kaniyang mga kapatid, at nagtamo ng pagtitiwala ng mga may-ari ng lupain doon. (Huk 9:26) Noong una ay pinalakas ng mga may-aring ito ng lupain ang kamay ni Abimelec upang patayin ang mga anak ni Jerubaal (Gideon) at pagkatapos ay ginawa nila siyang hari sa kanila. (Huk 9:1-6) Lumilitaw na itinalaga ni Abimelec si Zebul bilang kinatawang prinsipe ng Sikem, habang siya naman ay naninirahan sa Aruma. Nang maglaon ay nagkaroon ng masamang espiritu sa pagitan ni Abimelec at ng mga may-ari ng lupain sa Sikem. Dahil dito, inudyukan ni Gaal at ng kaniyang mga kapatid ang lunsod upang maghimagsik laban kay Abimelec. Nang mabalitaan ito ni Zebul, agad siyang nagpadala ng mensahe kay Abimelec, lakip ang mungkahi kung paano haharapin ang situwasyon. Si Gaal at ang mga kasama niya ay natalo sa sumunod na pakikipagbaka kay Haring Abimelec at tumakas pabalik ng lunsod. Nang dakong huli ay pinalayas ni Zebul si Gaal at ang mga kapatid nito mula sa Sikem.—Huk 9:22-41.