Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gaas

Gaas

[posible, Yumayanig; Niyanig].

Pangalan ng isang burol sa bulubunduking pook ng Efraim, sa T ng Timnat-heres (o Timnat-sera). (Jos 24:30; Huk 2:9) Lumilitaw na ang mga agusang libis ng Gaas, na binanggit sa 2 Samuel 23:30 at sa 1 Cronica 11:32, ay tumutukoy sa mga bangin sa kapaligiran ng burol na ito.