Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gaita

Gaita

[sa Ingles, bagpipe].

Bagaman ang salitang Aramaiko na sum·pon·yahʹ, na lumilitaw sa Daniel 3:5, 10, 15, ay isinasalin bilang “dulcimer” (isang panugtog na de-kuwerdas) (KJ, Kx) at “simponiya” (Dy, Yg), karaniwang isinasalin ng makabagong mga salin ng Bibliya ang salitang ito bilang “gaita.” Sa Lexicon in Veteris Testamenti Libros nina Koehler at Baumgartner, ang ibinibigay na kahulugan para rito ay “gaita.”​—Leiden, 1958, p. 1103.

Ang sum·pon·yahʹ ay maaaring hawig sa simpleng mga gaita sa Silangan sa makabagong panahon. Ang supot nito, na hindi dapat sinisingawan ng hangin, ay yari sa balat ng kambing, na wala nang mga paa, buntot, at ulo, ngunit kadalasa’y hindi na inaalisan ng balahibo. Isang tubo ang isinusuksok sa supot na sa pamamagitan niyaon ay pinupuno ito ng hangin, at sinusuksukan din ito ng tulad-plawtang mga pipa na gawa sa mga tambo at mga dulo ng mga sungay ng baka.