Galbano
[sa Ingles, galbanum].
Isang sahing na dagta na manilaw-nilaw o kulay kayumanggi at nakukuha mula sa ilang halaman sa Asia na kabilang sa pamilya ng mga karot o mga parsli. Hindi matiyak nang eksakto kung anong uri ng halaman ang pinagkunan ng galbano na ginamit ng mga Israelita.
Ang malagatas na fluido na tumitigas at nagiging galbano ay kusang lumalabas mula sa tangkay ng halaman o tumatagas kapag hiniwaan iyon. Ang galbano ay isa sa mga sangkap ng insenso na espesipikong binanggit na bukod-tanging gagamitin sa santuwaryo. (Exo 30:34-38) Kapag sinunog ito nang ito lamang, sinasabing mabaho ang amoy nito, ngunit kapag isinama sa iba pang mga aromatikong substansiya, pinag-iibayo at pinatatagal ng galbano ang bango ng mga iyon.