Galim
[Mga Bunton].
Bayan ni Palti. Ibinigay sa kaniya ni Saul ang anak nitong si Mical upang maging asawa noong magtago si David at ituring na kriminal. (1Sa 25:44) Posibleng ito rin ang Galim. Ang mga naninirahan doon, pagkaraan ng ilang siglo, ay dumaing sa pananaghoy dahil sa dumarating na hukbong Asiryano sa ilalim ng pamumuno ni Senakerib. (Isa 10:24, 30) Ipinapalagay ng ilang iskolar na ang Galim ay nasa Khirbet Kakul (Horvat Kaʽkul), mga 4.5 km (3 mi) sa HHS ng Temple Mount.