Gat-heper
[Pisaan ng Ubas ng Heper (Paghuhukay)].
Isang lunsod ng Zebulon sa hanggahan nito (Jos 19:10, 13) at bayan ng propetang si Jonas. (2Ha 14:25) Karaniwang ipinapalagay na ito ay ang Khirbet ez-Zurraʽ (Tel Gat Hefer), na mga 4 na km (2.5 mi) sa HHS ng Nazaret at nasa K lamang ng Meshhed (Mash-had), ang kinikilalang lugar ng libingan ni Jonas. Waring pinatutunayan ng mga paggagalugad sa Khirbet ez-Zurraʽ ang sinasabi ng Bibliya na ang lugar na ito’y tinatahanan noong mga yugto ng panahong nabanggit.