Gazez
[Manggugupit].
Sinasabi ng 1 Cronica 2:46 na isinilang ng babae ni Caleb na si Epa sina Haran, Mosa, at Gazez, at pagkatapos ay sinasabi nito na “naging anak [ni Haran] si Gazez.” Kaya, maaaring dalawa ang lalaking nagngangalang Gazez: (1) isang anak ni Caleb, at (2) isang apo ni Caleb. Ngunit kung ang pananalitang, “Kung tungkol kay Haran, naging anak niya si Gazez,” ay isa lamang paglilinaw upang ipakilala ang Gazez na naunang binanggit hindi bilang anak ni Caleb kundi kaniyang apo, mangangahulugan ito na iisa lamang ang Gazez, samakatuwid nga, ang anak ni Haran at apo ni Caleb.