Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Geder

Geder

[Batong Pader].

Isang bayan sa Canaan. Ang hari nito ay isa sa 31 hari na nilupig ni Josue. (Jos 12:13) Ipinakikita ng Josue 12:7, 8 na ito’y nasa K panig ng Jordan, at dahil binanggit ito kasunod ng Debir, maaaring ito’y nasa rehiyon ng Sepela. Maaaring ito rin ang Bet-gader sa 1 Cronica 2:51. Gayunman, hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Noong panahon ni David, isang lalaking tinatawag na Baal-hanan na Gederita ang nangasiwa sa mga taniman ng olibo at sa mga puno ng sikomoro ni David sa Sepela. Ipinapalagay na maaaring siya’y nagmula sa Geder o sa Gedera.​—1Cr 27:28.