Gedera
[Kural na Bato].
1. Isang lunsod sa Sepela na iniatas sa Juda. (Jos 15:20, 33, 36) Karaniwang ipinapalagay na ang Gedera ay ang Jedireh, mga 22 km (14 na mi) sa KHK ng sinasabing lokasyon ng Estaol. Ang ilan sa mga tumatahan sa lunsod na ito ay nakilala sa paggawa ng mga kagamitang luwad.—1Cr 4:23.
2. Lumilitaw na ito ay pangalan ng isang lugar sa teritoryo ng Benjamin, ang bayan ni “Jozabad na Gederatita.” (1Cr 12:1, 2, 4) Ipinapalagay ng ilang heograpo na ito ay ang Judeira, mga 1.5 km (1 mi) sa HS ng Gibeon.