Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gederotaim

Gederotaim

Isang pangalan na nangangahulugang “Dalawang Kural na Bato.” Lumilitaw ito kasama ng mga lunsod ng Juda sa Sepela, ngunit sa ngayon ay hindi alam kung saan ang lokasyon nito. (Jos 15:20, 33, 36) Sa halip na Gederotaim, ang Griegong Septuagint ay kababasahan ng “at ang kaniyang mga kulungan ng tupa,” samakatuwid nga, ‘ang mga kulungan ng tupa’ ng naunang itinalang lugar, ang Gedera. Sa paggamit ng ganitong pananalita, ang kabuuang bilang ng mga lunsod sa talaan ay bababa mula sa 15 tungo sa binanggit na 14. (Jos 15:33-36) Ngunit, yamang ang pananalitang ito ay magmimistulang di-pangkaraniwan sa gayong mga talaan, may mga nagmumungkahi na ang teksto ay maaaring isalin bilang “Gedera o Gederotaim” sa halip na “Gedera at Gederotaim.”