Gedor
[Batong Pader].
1. Ang anak ni Jeiel na mula sa bayan ng Gibeon. Bilang miyembro ng tribo ni Benjamin, siya ay kapatid ng lolo ni Haring Saul.—1Cr 8:29-31; 9:35-39.
2. Isang anak ni Penuel na mula sa tribo ni Juda. Maaaring ito ay pangalan ng isang bayan.—1Cr 4:4.
3. Isang anak ni Jered na mula rin sa tribo ni Juda. Maaaring ito ay pangalan ng isang bayan.—4. Isang bayan sa bulubunduking pook ng Juda. (Jos 15:48, 58) Iniuugnay ito sa Khirbet Jedur na mga 12 km (7.5 mi) sa H ng Hebron. Maaaring tinutukoy rin ito sa 1 Cronica 4:18. Ang pagbanggit, sa talata ring iyon, sa Soco at Zanoa, na kapuwa lumilitaw sa ibang dako bilang mga pangalan ng mga bayan, ay inaakala ng ilan na nagpapahiwatig na ang Gedor ay malamang na isa ring bayan kung saan si Jered ang tagapagtatag, o “ama.”
5. Isang bayan na binabanggit may kaugnayan sa mga gawain ng mga Simeonita. (1Cr 4:24, 39) Ang Griegong Septuagint ay kababasahan dito ng “Gerar.”—Tingnan ang GERAR.
6. Isang lugar sa Benjamin. (1Cr 12:1, 2, 7) Ang isang iminumungkahing lokasyon nito ay ang Khirbet el-Gudeira, na mga 16 na km (10 mi) sa HK ng Jerusalem.