Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gelilot

Gelilot

[Mga Rehiyon; Mga Sirkito; mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “gumulong; igulong”].

Isang lugar na nakatala may kaugnayan sa hangganan ng Benjamin. (Jos 18:17) Ang lokasyon ng Gelilot, na inilarawang “nasa tapat ng sampahan ng Adumim,” ay katugma niyaong sa Gilgal (Jos 15:7), kaya dahil dito ay itinuturing ito ng ilang iskolar bilang isa pang pangalan ng Gilgal na malapit sa Jerico. Iminumungkahi ng iba na ang Gelilot ay isang lugar o maliit na rehiyon sa kapaligiran ng Talʽat ed-Damm (Maʽale Adumim) sa Wadi el Qilt sa TK ng Jerico.​—Tingnan ang ADUMIM; GILGAL Blg. 1.