Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Geraseno, Mga

Geraseno, Mga

[Ng (Mula sa) Gerasa].

Sa “lupain ng mga Geraseno,” na ang isang bahagi ay nasa S ng Dagat ng Galilea, pinagaling ni Jesu-Kristo ang dalawang lalaking inaalihan ng demonyo. (Mar 5:1-20; Luc 8:26-39; ihambing ang Mat 8:28-34.) Hindi alam sa ngayon kung saan ang eksaktong mga hangganan ng rehiyong ito, at ang pagkakakilanlan nito ay hindi tiyak. Iniuugnay ito ng ilang iskolar sa lugar na nasa S baybayin ng Dagat ng Galilea sa palibot ng Kursi, ang bayang tinukoy nina Origen at Eusebius bilang Gergesa. Dito lang may mga bangin malapit sa baybayin. Iminumungkahi naman ng iba na ito ang malaking distritong nasa palibot ng lunsod ng Gerasa (Jarash).​—Tingnan ang GADARENO, MGA.