Gersom
[Isang Naninirahang Dayuhan Doon].
1. Ang unang nakatalang anak ni Levi na anak ni Jacob. Siya ang ama nina Libni at Simei. (1Cr 6:16, 17, 20, 43, 62, 71) Tinatawag din siyang Gerson.—Gen 46:11; Exo 6:16, 17; Bil 3:17, 18; 1Cr 6:1; 23:6.
2. Ang panganay na anak ni Moises kay Zipora; ipinanganak sa Midian. (Exo 2:21, 22; 1Cr 23:14-16) Pumaroon ang biyenan ni Moises na si Jetro kay Moises sa ilang, at isinama niya ang asawa ni Moises na si Zipora at ang kanilang dalawang anak, sina Gersom at Eliezer. (Exo 18:2-4) Ang makasaserdoteng paglilingkod ng inapo ni Gersom na si Jonatan para sa mga Danita ay ilegal, sapagkat bagaman isa siyang Levita, hindi siya nagmula sa pamilya ni Aaron.—Huk 18:30.
3. Ang ulo ng sambahayan ni Pinehas sa panig ng ama na sumama kay Ezra mula sa Babilonya.—Ezr 8:1, 2.