Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Getsemani

Getsemani

[Pisaang Panlangis].

Malamang na isang hardin ng mga punong olibo na may pisaan para sa pagpiga ng langis ng mga olibo. Ang Getsemani ay nasa S ng Jerusalem, sa kabila ng Libis ng Kidron (Ju 18:1), sa Bundok ng mga Olibo o malapit doon. (Luc 22:39) Dito madalas makipagtagpo si Jesu-Kristo sa kaniyang mga alagad. (Ju 18:2) Noong gabi ng Paskuwa ng 33 C.E., siya, kasama ang kaniyang tapat na mga alagad, ay pumunta sa harding ito upang manalangin. Nang matagpuan at maipagkanulo ni Hudas Iscariote, si Jesus ay dinakip dito ng mga nasasandatahang mang-uumog.​—Mat 26:36-56; Mar 14:32-52; Luc 22:39-53; Ju 18:1-12.

Hindi matukoy kung saan ang eksaktong lokasyon ng hardin ng Getsemani, sapagkat (ayon kay Josephus) ang lahat ng mga punungkahoy sa palibot ng Jerusalem ay pinagpuputol nang kubkubin ito ng mga Romano noong 70 C.E. (The Jewish War, VI, 5-8 [i, 1]) Ayon sa isang tradisyon, ang Getsemani ay ang harding binakuran ng mga Franciscano noong 1848. Ito’y may sukat na mga 46 por 43 m (150 por 140 piye) at nasa paanan ng Bundok ng mga Olibo, sa lugar kung saan nagsasanga ang daan sa K dalisdis nito. Walong punong olibo sa harding iyon ang naroroon na sa loob ng maraming siglo.

[Larawan sa pahina 821]

Tanawin mula sa Temple Mount paharap sa tradisyonal na lokasyon ng Getsemani