Gia
[Bumubugso; Bumubulwak].
Isang lugar na malapit sa “burol ng Amma.” Binanggit ito sa ulat ng pagtugis nina Joab at Abisai kay Abner. (2Sa 2:24) Batay sa konteksto, iminumungkahi ng ilan na ang Gia ay nasa S ng Gibeon sa teritoryo ng Benjamin. May mga lugar namang inihaharap ang ilang iskolar batay sa pagwawasto sa teksto. Gayunman, hindi pa rin alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Gia.—Tingnan ang AMMA.