Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gibar

Gibar

[Nakahihigit; Makapangyarihan; Nananaig].

Posibleng pangalan ng isang ulo ng pamilya na ang 95 sa “mga anak” (mga inapo) ay bumalik kasama ni Zerubabel mula sa pagkatapon sa Babilonya noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 20) Gayunman, sa katulad na ulat ng Nehemias 7:25, Gibeon ang nakatala sa halip na Gibar. Kaya “ang mga anak ni Gibar [Gibeon], siyamnapu’t lima,” ay maaaring tumutukoy sa mga inapo ng mga unang tumatahan sa Gibeon, yamang lumilitaw sa Ezra 2:21-34 ang iba pang mga pangalan ng mga lugar, gaya halimbawa ng ‘mga anak ng Betlehem.’