Gibeton
[Likod; Gulod].
Isang lunsod na orihinal na nakaatas sa tribo ni Dan. (Jos 19:40, 41, 44) Gayunman, nang maglaon ay ibinigay ito sa mga Kohatita bilang isang lunsod ng mga Levita. (Jos 21:20, 23) Pagkaraan ng maraming siglo, nang ang Gibeton ay hawak ng mga Filisteo, tinangka ni Haring Nadab ng Israel na agawin ang lunsod mula sa mga ito, ngunit pinaslang siya ng nakipagsabuwatang si Baasa. (1Ha 15:27) Mga 24 na taon pagkaraan nito, ang Gibeton ay nasa ilalim ng kontrol ng mga Filisteo nang si Omri, na pinuno ng hukbo ng Israel, ay magkampo laban sa lunsod. Nang ibunyi siya bilang hari ng mga Israelitang nagkakampo roon, itinigil ni Omri ang pagkubkob sa Gibeton upang salakayin ang karibal niyang hari ng Israel na si Zimri.—1Ha 16:15-18.
Karaniwang ipinapalagay na ang Gibeton ay ang Tell el-Melat (Tel Malot), na mga 9 na km (5.5 mi) sa H ng iminumungkahing lokasyon ng Filisteong lunsod ng Ekron.