Gilo
Isang lunsod sa bulubunduking pook ng Juda. (Jos 15:48, 51) Tagarito ang traidor na si “Ahitopel na Gilonita.” (2Sa 15:12; 23:34) Bagaman hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito, ipinapalagay ng ilang heograpo na ang Gilo ay ang Khirbet Jala, na mga 10 km (6 na mi) sa HHK ng Hebron.