Gimel
[ג].
Ang ikatlong titik sa alpabetong Hebreo. Ito ang pinakamalambot sa mga titik na pangngalangala bukod sa titik na yod [י] at karaniwan nang katumbas ng Ingles na “g” kapag may tuldok ito sa gitna (daghesh lene); ngunit kapag wala ang tuldok na iyon ay binibigkas ito nang mas malambot, sa bandang lalamunan. (Tingnan ang HEBREO, II.) Sa Hebreo, ito ang unang titik sa bawat pambungad na salita ng walong talata ng Awit 119:17-24.