Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gimzo

Gimzo

Isang lunsod ng Juda. Ito at ang mga sakop na bayan nito ay binihag ng mga Filisteo noong panahon ng paghahari ni Ahaz. (2Cr 28:18, 19) Karaniwang ipinapalagay na ito ay ang Gimzu, na isang nayon na mga 23 km (14 na mi) sa TS ng makabagong Tel Aviv-Yafo.