Girzita, Mga
Isang bayan na kabilang sa naging mga biktima ng paglusob na ginawa ni David at ng kaniyang 600 tauhan noong panahon ng 16-na-buwang paninirahan nila kasama ng mga Filisteo. Kumuha si David ng maraming alagang hayop bilang samsam ngunit walang Girzita ang pinanatiling buháy. Malamang na dahil pagala-gala sila, ang mga Girzita ay nanirahan sa teritoryo sa T ng Juda sa kalakhang direksiyong patungo sa Ehipto.—1Sa 27:2, 7-9.