Giteo
[Ng (Mula sa) Gat].
Isang termino na kadalasang ikinakapit sa isang tumatahan o katutubo ng Filisteong lunsod ng Gat. (Jos 13:2, 3) Ang higanteng si Goliat ay isang Giteo. (2Sa 21:19; 1Cr 20:5) Ang mga Giteo, kabilang na si Ittai (tinawag na “isang banyaga” at “isang tapon” mula sa kaniyang bayan), ay may-katapatang nanatili kay David nang tumatakas ito noong panahong maghimagsik si Absalom.—2Sa 15:13, 18-22; 18:2; tingnan ang GAT; ITTAI Blg. 1.
Gayunman, ang terminong “Giteo” ay ikinakapit din kay Obed-edom, na ang tahanan ay pansamantalang pinaglagakan ng kaban ng tipan. (2Sa 6:10, 11; 1Cr 13:13) Naniniwala ang ilang iskolar na siya rin ay nagmula sa Filisteong Gat. Gayunman, mas malamang na si Obed-edom ay isang Levita at maaaring tinawag na isang Giteo sapagkat nagmula siya sa Levitang lunsod ng Gat-rimon.—Jos 21:20, 23, 24; tingnan ang OBED-EDOM Blg. 1.