Globito
Isang palamuti ng ginintuang kandelero na ginagamit noon sa tabernakulo; tinutukoy ito ng salitang Hebreo na kaph·tohrʹ, o kaph·torʹ, na maliwanag na tumutukoy sa isang bilog na bagay na nakausli. (Exo 25:31-36; 37:17-22) Ang mga “globito” ay kasalitan ng mga palamuting bulaklak sa pangunahing tangkay ng kandelero at sa anim na sanga nito. Waring ang ilan sa mga globito ay nagsilbing suporta ng mga sangang iyon. Makikita ang mga ito sa kandelerong nakalarawan sa relyebeng nasa Arko ni Tito (sa Roma), kung saan ang mga kawal na Romano ay ipinakikitang nagbubuhat ng mga samsam na nakuha sa templo sa Jerusalem, na winasak noong 70 C.E.