Gob
Isang lugar kung saan makalawang ulit na nagpabagsak ng mga higanteng mandirigma ng mga hukbong Filisteo ang mga tauhan ni David. (2Sa 21:18, 19) Sa katulad na salaysay sa 1 Cronica 20:4, ang lugar ng unang sagupaan ay itinala bilang “Gezer” (“Gat” sa ilang kopya ng Griegong Septuagint at ng Syriac na Peshitta). Samantala, ang pangalan ng lugar ng ikalawang sagupaan ay hindi binanggit. (1Cr 20:5) Gayunman, ipinakikita ng dalawang ulat na may ikatlong sagupaan na naganap sa “Gat.” (2Sa 21:20; 1Cr 20:6) Dahil dito, ipinapalagay ng maraming iskolar na ang “Gob” ay resulta ng pagkakamali ng eskriba sa “Gat.” Ngunit para sa iba, waring imposible na makalawang ulit na magkakaroon ng gayong pagkakamali sa magkasunod na talata. Kaya naman, ipinapalagay nila na ang Gob ay maaaring pangalan ng isang lugar na malapit sa Gezer ngunit hindi na ito matukoy ngayon.