Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Goiim

Goiim

[Mga Bansa].

1. Ang nasasakupan ni Haring Tidal, isang kaalyado ng Elamitang hari na si Kedorlaomer. (Gen 14:1-9) Bagaman maraming mungkahi ang iniharap, wala pang naitatag na pagkakakilanlan ng lokasyon nito. Dahil sa kahulugan ng terminong ito at sa pagkakasalin nito sa ibang mga teksto (Huk 4:2; Isa 9:1) bilang isang pangngalang pambalana (“mga bansa”) sa halip na isang pangalang pantangi, iminumungkahi ng ilan na ang Goiim ay isang kalipunan ng mga tribong nagmula sa iba’t ibang bansa.​—Tingnan ang TIDAL.

2. Ang nasasakupan sa K ng Jordan ng isang Canaanitang hari na tinalo ni Josue. Tinutukoy siya bilang “ang hari ng Goiim sa Gilgal.” (Jos 12:7, 23) Wala nang nalalaman pa tungkol sa Goiim na ito maliban sa bagay na ang Gilgal, posibleng ang sentro nito, ay hindi ang kilaláng dakong pinagkampuhan ng mga Israelita na may gayunding pangalan malapit sa Jordan.