Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Golan

Golan

Isang lunsod ng Basan sa teritoryo ng Manases. Pinili ito bilang isang kanlungang lunsod. (Deu 4:41-43; Jos 20:2, 8) Ibinigay sa mga Gersonitang Levita ang lunsod na ito bilang kanilang tirahan. (Jos 21:27; 1Cr 6:71) Ipinapalagay ng karamihan sa mga iskolar na ito ang Sahm el Joulane, na mga 28 km (17 mi) sa S ng Dagat ng Galilea. Ang distrito na binigyan ng pangalang ito, anupat tinatawag ngayon na Ang Golan ngunit dati’y Gaulanitis, ay waring mas malapit sa Dagat ng Galilea.