Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Graba

Graba

Maliliit na bato. Sa Kasulatan, ang “graba” ay ginagamit sa makatalinghagang diwa. Ang nakapipinsalang epekto ng pagtatamo ng tinapay sa pamamagitan ng kabulaanan ay inihahambing sa bibig ng isa na napuno ng graba. (Kaw 20:17) Gayundin, ang pagpapahirap ni Jehova sa di-tapat na Jerusalem sa pamamagitan ng mga Babilonyo ay inihahalintulad sa ‘pagbali sa mga ngipin sa pamamagitan ng graba.’ (Pan 3:16) Ayon sa tradisyonal na Judiong kaisipan, aktuwal itong naranasan niyaong mga dinala sa pagkatapon sa Babilonya. Sinasabi ng tradisyon na napilitan silang magluto ng tinapay sa mga hukay na dinukal sa lupa at na, bilang resulta, nahaluan ng buhangin ang tinapay.