Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gulod

Gulod

Isang heograpiko o istraktural na kaanyuan ng sinaunang Jerusalem. (2Sa 5:9; 1Ha 9:15, 24; 11:27; 2Ha 12:20; 1Cr 11:8; 2Cr 32:5) Sa Hukom 9:6, 20, ang salitang Hebreo na isinalin bilang “Gulod” (mil·lohʼʹ) ay isinalin bilang “Milo.”​—Tingnan ang MILO.

Hindi alam sa ngayon kung ano talaga ang Gulod na ito. Sa 2 Hari 12:20 ay may binanggit na “bahay ng Gulod,” na maaaring nagpapahiwatig na ito’y isang istrakturang tulad-kuta. Kung tungkol sa lokasyon nito, iniuugnay ito ng 2 Samuel 5:9 at 2 Cronica 32:5 sa Lunsod ni David, anupat nagpapahiwatig na maaaring ito’y nasa loob o kaya’y nasa gilid ng Lunsod ni David.