Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gulot-maim

Gulot-maim

[Mga Lunas ng Tubig].

Isang lugar na hiniling ng anak na babae ni Caleb noong ikasal siya kay Otniel. (Jos 15:17-19; Huk 1:13-15) Sa maraming bersiyon, ang Gul·lothʹ maʹyim ay isinalin bilang “mga bukal ng tubig,” samantalang ang “Mataas na Gul·lothʹ at Mababang Gul·lothʹ” ay karaniwang isinasalin bilang ‘bukal sa itaas at bukal sa ibaba.’ (Tingnan ang AS-Tg, BSP, JB, KJ.) Gayunman, mapapansin na hindi “mga bukal” ang hinangad ng anak na babae ni Caleb mula sa kaniyang ama. Ayon sa Josue 15:18, “isang bukid” ang hinangad niya. Kaya naman ang Gul·lothʹ maʹyim ay isinasalin kung minsan bilang “lupaing natutubigang mainam.” (Kx; tingnan din ang Dy.) Mas pinipili ng ilang iskolar na huwag itong isalin, anupat tinutumbasan lamang nila ito ng mga transliterasyong “Gullath-maim” (AT) o “Gulot-maim.” (NW) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Gulot-maim.​—Tingnan ang DEBIR Blg. 2.