Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Gur

Gur

Si Ahazias, na hari ng Juda, ay nakasakay sa karo “sa daang paahon sa Gur, na malapit sa Ibleam,” nang siya’y saktan sa utos ni Jehu. (2Ha 9:27) Hindi na alam sa ngayon kung saan ang lokasyon ng Gur.

Sa katulad na ulat ng kamatayan ni Ahazias sa 2 Cronica 22:8, 9, hindi binanggit ang pagsugat sa kaniya sa Gur. Waring kinukumpleto ng dalawang ulat na ito ang detalye ng isa’t isa at kailangang pagsamahin ang mga ito upang makuha ang buong larawan ng mga pangyayari.​—Tingnan ang AHAZIAS Blg. 2.