Habaias
[Itinago ni Jah].
Isang saserdote na ang mga inapo ay bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya. Ngunit palibhasa’y hindi napatunayan ng kaniyang “mga anak” ang kanilang talaangkanan, pinagbawalan ang mga ito mula sa pagkasaserdote at hindi pinahintulutang ‘makakain mula sa mga kabanal-banalang bagay hanggang sa tumayo ang isang saserdoteng may Urim at Tumim.’—Ezr 2:1, 2, 61-63; Ne 7:63-65.