Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Habakuk

Habakuk

[Marubdob na Yakap].

Hebreong propeta ng Juda at manunulat ng aklat ng Bibliya na nagtataglay ng kaniyang pangalan. (Hab 1:1; 3:1) Mula sa pansarang pananalita ng aklat (“Sa tagapangasiwa, sa aking mga panugtog na de-kuwerdas”) at sa panambitan sa kabanata 3, ipinapalagay na si Habakuk ay isang Levitikong manunugtog sa templo. Ngunit hindi ito tiniyak sa mga salitang kasunod ng Habakuk 3:19, at bumigkas din ng mga panambitan ang mga taong hindi Levita. (2Sa 1:17, 18) Bagaman may iba’t ibang tradisyonal na paniniwala tungkol kay Habakuk, ang mga ito ay hindi mapananaligan, at ang Kasulatan mismo ay walang ibinigay na impormasyon tungkol sa mga magulang, tribo, kalagayan sa buhay, o kamatayan ng propeta. Waring ipinahihiwatig ng katibayan sa aklat ng Habakuk na humula siya noong maagang bahagi ng paghahari ni Jehoiakim, posibleng bago nalupig ni Nabucodonosor ang hukbong Ehipsiyo sa Carkemis noong 625 B.C.E.