Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hacmoni

Hacmoni

[posible, Marunong].

1. Ninuno ni Zabdiel at ng anak nito na si Jasobeam. Si Jasobeam ang ulo ng tatlong pinakamahuhusay na makapangyarihang lalaki ni David at tinatawag na “anak ng isang Hacmonita.” (1Cr 11:11; 27:2) Ang “Hacmonita” ay binabaybay na “Takemonita” sa 2 Samuel 23:8. Kung ang Jasobeam ding iyon ang tinutukoy sa 1 Cronica 12:6, ang mga Hacmonita ay mga inapo ng Levitang si Kora.​—Tingnan ang JOSEB-BASEBET.

2. Ama o ninuno ni Jehiel. Si Jehiel ay kasama ng mga anak ni Haring David, ipinapalagay na bilang isang pribadong tagapagturo. (1Cr 27:32) Posibleng siya rin ang Blg. 1.