Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hadid

Hadid

Isang lunsod ng mga ninuno ng ilang Benjamita na bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya. (Ezr 2:1, 2, 33; Ne 7:6, 7, 37; 11:31, 34) Karaniwang ipinapalagay na ito ay ang el-Haditheh (Tel Hadid), isang tiwangwang na Arabeng nayon na mga 5 km (3 mi) sa SHS ng Lod (Lida). Karaniwang inaakala na malamang na ang Hadid ay ang “Huditi” rin na binanggit sa Karnak List ni Thutmose III, at ang “Adida” sa Apokripal na aklat ng Unang Macabeo (12:38; 13:13, RS, edisyong ekumenikal), kung saan inilarawan na ito’y nasa Sepela at mula rito’y matatanaw ang baybaying kapatagan.