Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hadoram

Hadoram

1. Isang anak ni Joktan at inapo ni Sem, nakatalang kabilang sa mga pinagmulan ng mga pamilyang nabuhay pagkaraan ng Baha. (Gen 10:21, 25-27, 32) Ang pamilyang ito ay namayan sa Arabia, posibleng sa Yemen.

2. Anak ni Haring Tou ng Hamat. Si Hadoram ay isinugo ng kaniyang ama kay David, dala ang pagbati at mga kaloob nito, dahil sa tagumpay ng Israel laban sa hari ng Zoba. (1Cr 18:9-11) Tinatawag siyang Joram sa 2 Samuel 8:10.

3. Ang tagapamanihala sa mga tinawag para sa puwersahang pagtatrabaho sa ilalim ng mga haring sina David, Solomon, at Rehoboam. Nang si Hadoram ay isugo ni Rehoboam sa mapaghimagsik na mga tribo sa hilaga, pinagbabato siya hanggang sa mamatay. (2Cr 10:18) Tinatawag siyang Adoram sa 1 Hari 12:18 at 2 Samuel 20:24, at Adoniram sa 1 Hari 4:6 at 5:14.