Hali
[Palamuti].
Isang bayan sa hangganan ng Aser. Nakatala ito sa pagitan ng Helkat at Beten. (Jos 19:24, 25) Bagaman hindi tiyak kung saan ang lokasyon nito, iminumungkahi ng iba na ito ang Khirbet Ras ʽAli (Tel ʽAlil), na mga 17 km (11 mi) sa STS ng Haifa. Dahil dito, maipapalagay na ito’y nasa silanganing gilid ng Kapatagan ng Aco.